Monday, February 21, 2011

miss na kita, sinta (sulat ng isang buryong)

sa aking pag-iisa hindi ko maiwasang isipin ang ating nakaraan sinta. dumating ka sa buhay ko noong panahong kailangan ko ng tigaplantsa, tigaluto, tigalaba, at tigalinis ng kubeta. isa kang anghel na hinulog ng langit sa bubongan ng bahay ng aking kasera at ang sabi sa sulat na iyong dala-dala ay pagtiyagaan na lang daw kita dahil hindi na nila kaya doon ang mga kapalpakan mong pinaggagagawa, puro daw "wrong move" ang iyong mga arangkada. ano pa nga ba? e di sige, tutal wala namang kasamang kontrata.

hindi o akalaing ang langit palang pinanggalingan mo ay hindi naman pala sa langit na alam ko kundi sa heaven disco bar na pagmamay-ari ng aming kapitan del baryo. pero sige, dahil hindi ka naman maangas at hindi ka rin maangal, at kakaunti ka lang kung kumain, pinatira kita sa bahay ko.

napag-alaman ko sa maikling panahong ating pinagsamahan na likas ka naman palang masipag, matipid, at mabait. biro mong tulog pa lang ako sa madaling araw ay hinuhubaran mo na akong pilit dahil maglalaba ka na. sabi mo sayang ang sabon, tubig, at kuryente kaya dapat minsanan kung isalang sa washing machine at sabay-sabay na banlawan ang mga labahin. tuloy, pati ang doormat at ang mga basahan, isinasabay mo na rin sa paglaba pagbanlaw sa  aking mga damit. ang bait-bait mo talaga, sinta. lagi pa akong may baon pagpasok ko sa pinagtatrabahuhan kong planta ng mga plastik na batya at timba.

minsan nalasing ako, at iniuwi mo ako sa bahay  dahil halos gumapang na ako sa kalsada. nang magkasakit ako ay inalagaan mo ako, at ang kabaitan mong iyan ang naitanim sa aking isipan. subali't ang itinanim ko na iyon ay hindi naman yata tumubo. hanggang  ngayon wala pa ring tumutubo.

di naglaon ay inamin mo sa akin na mahal mo ako. pinagmasdan kita. hindi ka naman gaanong kapangitan kaya pinatos kita. kaso, nang lumobo ang iyong tiyan ay bigla ka na lang nawala. hinanap kita sa kung saan-saan subali't hindi na kita nakita. hanggang isang araw, nalaman ko na lang, sumama ka na pala sa may-ari ng karinderya sa talipapa, dahil akala mo ay wala akong balak pakasalan ka. nandoon na raw kayo sa vizcaya.

ayaw ko sanang aminin, pero ngayon ko lang naramdamang miss na miss na pala kita. sana ay magmember ka ng facebook upang mabasa mo ito at maalaala, na minsan ay may siraulong speedo na minahal mo at sinamba. mahal na kita, sinta, sana ay bumalik ka na........at handa akong pakas--------

 "AWOOOOOOOOOOOOOOOOOOO!!!!!!!!!!!!!!!!!!"

 ?????????????

eng?
 whew!
 buti na lang panaginip lang.
 salamat sa umalulong na aso, ...
 muntik na akong mabangungot ah!

04-jan-2011
reospeedbagal@yahoo.com

Ano ba ang BURYONG?

sa totoo lang, hindi ko rin alam. basta naisip ko lang minsan, dahil wala akong magawa at naiinip ako at naiinis ako at lahat ng mga nakikita ko at naiisip ko ay kinaiinisan ko...BINUBURYONG AKOOOOO!!!!!

hindi pala...kaya ako binuryong dahil mayroon akong gustong makita o malaman na wala akong powers para makita ito o malaman. as in... wala talaga akong magawa kahit gusto kong gawin? naiintindihan mo ba ang ibig kong sabihin? oo! ganoon nga! ganu'n na ganu'n! kung hindi mo maintindihan ay bahala kang buryongin kung ano ang ibig kong sabihin, basta ganoon lang talaga!

kaya kung anu-ano lang ang ginawa ko sa facebook. naglagay ako ng mga status na hindi ko alam kung papaano ko naisip at kung saan nanggaling...maaaring napanood ko sa pelikula, nabasa ko sa diyaryo o komiks o paketbuk kaya o sa peysbuk din, o maaaring narinig ko ito sa mga kausap kong tambay...

mahilig kasi akong makialam at magbutingting ng mga kung anu-ano sa peysbuk. libangan ko yan habang naghahanap ako ng mga kausap, o habang naghihintay ako ng kausap na medyo matinu-tino. kung saan-saang fanpages ako naglalagalag kaya kung anu-anong mga kalokohan at katarantaduhan ng nagsipasok sa kukote kong walang kamalay-malay. parang mga kabuteng nagsulputan ang mga fanpages na pasaway, ang iingayyyy!!!!! tapos, biglang nangawala... hehehehe nakakatawa lang.

tapos, naisip ko, puwede nga palang gumawa ng fanpage ng mga buryong...nag-imbita ako ng mga kaibigang hindi ko naman pa talaga nakikita, at ang unang apat na nagmember ang ginawa kong mga admin...o di ba, ang saya-saya? nyahahahah!!! at dahil wala naman talaga akong kaima-imadyinesyun, ginawa kong mga numero ang codes nila... ako ang uno, tapos ang mga sumunod...dos, tres, ganoon... hehehehe! solb!

nakakapagod din pala ang mag-isip ng ilalagay sa blog. preno muna ako at magkokopibreyk...uh...sopdrinksbreyk pala...

til neks post.

©buryong
02/21/2011