Kilalanin si...BURYONG

ako si ryutaro shigeno, pero ang ginagamit kong screen name ay reo speedbagal... hindi ako taga-showbiz at wala akong balak mag-artista. (tunog-artista lang dahil in-spoof ko lang ang paborito kong banda). bakit ba? sa ito ang gusto kong itawag eh...screen name, o may angal? kung wala, ipagpatuloy mo lang ang pagbabasa. magsasawa ka rin, kala mo ha? hehehehehe........
at dahil nagbabasa ka pa, pagbibigyan kita. kukuwentuhan kita ng tungkol sa buhay ko.

hindi naman ako ipinanganak na isang buryong, ngunit may lahi lang sigurong buryong.

na-gang-rape ang nanay ko noong trese anyos pa lang siya at itinuturing na milagrong isinilang ako.
ipinanganak ako habang kumakain ang nanay ko at ang latest boyfriend niya sa mcdo malapit sa simbahan ng baclaran. hanggang ngayon ay hindi pa niya malaman kung sino ang tatay ko kaya kahit naka 100 na boyfriend na siya ay patuloy pa rin siya sa paghahanap. makikilala din daw niya ito pagdating ng panahon. sa ngayon ay may ka-live in niya at payag naman siyang tawagin kong tatay. kaya sa ngayon, may tatay ako....ewan ko lang kung iba na naman bukas. pero talagang ganyan ang buhay. basta kahit sino pa ang maging boyfriend ng nanay ko, hindi ko siya ikahihiya, dahil mahal na mahal niya ako at mahal na mahal ko siya.