Tuesday, May 17, 2011

ni-disable ng peysbuk ang akawnt ko!

ano ang mararamdaman mo kapag isang umaga, eksayted ka pang mag-log sa akawnt mo sa peysbuk dahil napakaganda ng ideyang umasok sa kukote mo na puwedeng gawan ng note...tapos biglang hindi mo na mapasok ang akawnt mo dahil naka-disable na pala?

ganyan na ganyan ang nangyari sa akin noong ika-11 ng mayo nitong taon na ito. ang sama-sama ng loob ko kasi pet akawnt ko pa naman iyon, at iyon ang nag-create ng fanpage na awa ng diyos ay mayroon nang 51 na likers. imadyin, dahil sa kaburyungan ko, maraming nagoyo para sumunod at maging buryong ding kagaya ko?

enihu, mabalik tayo sa pagkaka-disable ng akawnt ko. nabahala ako kaya hinanap ko ang pipindutin upang umapela. siyempre kailangan kong umapela, ano sila sinswerti na basta na lang nanakawin ang akawnt ko? hindi kaya birong pagdurugo ng utak ang tinamo ko sa pagsusulat ng mga makabagbag-damdaming notes at pagsagot sa mga mas buryong na nagsipagkoment doon? bukod pa sa marami na rin akong kaibigan... nakakasama talaga ng loob, sa totoo lang!

may form doon, sumulat ako sa peysbuk at ipinalagay ang mga kontak details ko, kaya napilitan akong ilagay. nag-email naman sila sa akin at ang sabi kailangan kong magreply doon gamit ang email adres na ginamit ko pang-create ng peysbuk akawnt ko, eh yun lang naman ang email ko kaya nagreply ako. walang sagot...binasa ko ang nakasulat...ang sabi bawal daw ang makulit antayin ko lang daw ang sagot nila kaya ako naman si gago, antay lang ako. eh hindi na ako nakatiis, kasi hanggang ngayon wala pa rin slang sagot. kaya ang ginawa ko, sumlat ako ng mas mahaba, ineksplen ko kung bakit kailangan kong ma-akses ang akawnt ko... at awa ng diyos hanggang ngayon wala pa rin silang sagot.

sinusubukan ko ring i-log ang akawnt ko kaso nakakawasak ng puso kapag nakita kong sinasabi nilang naka-disable pa rin... ano ba ang kasalanan ko sa mundo maliban sa pagiging isang buryong? sabihin nyo nga??????

peysbuk, pag di mo pa ibinalik ang akawnt ko, hindi na kita ipa-patronays!

©kapitanburyong 05/18/2011

1 comment:

  1. Gusto mo ba ng online work?
    Earn while you enjoy time with your Family & Lovedones!
    Email me: tirade_uno_23@yahoo.com / tiradauno@gmail.com / n.helphelphelp@gmail.com
    Contact Number: 09465046302
    For more details, kindly visit http://www.unemployedpinoys.com/

    ReplyDelete